Archive for December, 2005

Dec 22 2005

No Idea What Am Talking About

Published by isang under blah blah blah

Sometimes we wish for something we think we could never have

And still we hope, and we wait until we either forget about it

Or think of something else, might be better, might be completely different

Or keep ourselves busy as we realize we’re stuck in a cycle

Of waiting and hoping, getting tired of it all, and wait and hope once more.

Everything seems to be consistently inconsistent.

And we sometimes waver with fear and doubts..

Because sometimes, what we want is unattractively beautiful.

But we have grown deeply attached to it.. rooting our beliefs in it..

And desperately call it love.

Until finally, it happens.

Catches you by surprise in a brief moment –

Like some magic..and an amazing display of fireworks

IT happens.

And Love, as always, conquers all.

No responses yet

Dec 01 2005

Minsan

Published by isang under ramblings

Minsan akala mo alam mo na ang lahat ng pwede mong malaman — na naranasan mo na ang lahat ng maari mong madaanan. Pero minsan, kahit ilang beses mo ng napagdaanan, di mo pa rin lubusang napaghahandaan ang mga maaring kahinatnan. At dahil tao lamang, patuloy kang magkakamali, anumang leksyon ang iyong matututunan.

Minsan, akala mo kaya mong pigilan ang iyong nararamdaman. Na kaya mong ikubli ang saya o lungkot na ayaw mong ipaalam. At gagagawa at gagawa ka ng paraan para pagplanuhan ang itatakbo ng iyong kapalaran. Subalit minsan, parang pinaglalaruan ka ng tadhana at wala kang maisakatuparan.

At sa di inaasahang pagkakataon, magugulat ka na lang, at iyong maitatanong, " Ano ba ang silbi ko sa buhay na ito?" Dahil kahit ilang ulit mong maranasan ang isang pangyayari o piliting maramdaman ang isang damdamin, ang minsan ay minsan lang daraan sa buhay natin.

No responses yet